Alam mo ba muntikan na
Sumuko ang puso ko?
Sa paulit-ulit na pagkakataon
Na nasaktan, nabigo
Mukhang delikado na naman ako
O bakit ba kinikilig na naman ako?
Pero ngayon ay parang kakaiba
‘Pag nakatingin sa’yong mata, ang mundo ay kalma
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali, ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw, ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw
‘Di akalain mararamdaman ko muli
Ang yakap ng panahon habang
Kumakalabit ang init at sinag ng araw
(Sa gilid ng ulap)
Mukhang ‘di naman delikado
Kasi parang ngumingiti na naman ako (Ngumingiti na naman ako)
Kaya ngayon ‘di na ko mangangamba
Kahit anong sabihin nila
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali, ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw, ngayon ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali, ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali, ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti (Hanggang sa ang buhok ay pumuti)
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko (Dahil ikaw)
Hinding-hindi na ako bibitaw, ngayong ikaw na ang kasayaw (Ngayong ikaw na ang kasayaw)
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw
Thank you for reading the lyrics of "Dilaw" by . If you enjoyed the song, share it with your friends and family in the USA! If you notice any errors or discrepancies, please feel free to submit corrections via the Contact Us section. We value accurate lyrics and aim to provide the best content for fans. These lyrics are provided for educational purposes only, respecting the artists and their work. Please share and help others enjoy this track!
